top of page

“Kalungkutan sa Buhay”


Isa lamang akong simpleng babae. Ang nais ko'y umasenso, maging matagumpay, at higit sa lahat, ang makatulong sa aking pamilya. Marami akong pinapangarap. Gusto kong maging isang Singer. Gusto kong pasukin ang mundo ng showbiz. Pero alam kong malabo itong mangyari. Malayo ang lugar ko sa Maynila at hindi ako mapapansin kong dito lang ako mananatili sa probinsya. Hangad ko'ng maging mabuting tao. Sa salita, sa pakikipagkapwa, at higit sa lahat sa pagsunod sa utos ng Dios. Gusto ko ring makapagtapos ng pag- aaral. Subalit nasa hayskul pa lang ako, marami na akong dinadaanang pagsubok sa buhay. Alam kong ito'y normal lamang sa tao ngunit minsan hindi rin natin maiiwasang mag- isip na sumuko na! Kung minsan umiiyak ka at nagsasabing, “Bakit”? ‘Yan ang katanungan ng isang taong nanghinina! Ang pinakamasakit na problema na ayokong tumagal ay ang paghinalaan ako ng sarili kong magulang. Kung minsan hindi rin maiiwasang pagbintangan ako sa mga kasalanang hindi ko naman ginagawa! Masakit isiping pinaghihinalaan ka na ang totoo mo namang ginagawa ay nag- aaral ng mabuti. Gusto ko rin namang maabot ang mga pangarap ko kaya kahit mahirap, pinipilit ko pa ri'ng mag- aral ng mabuti para sa lahat at para na rin sa aking sarili. Isang tusok ng espada ang nasa puso ko habang isinusulat ko ito! Ito'y isang ala- ala ng sakit ng damdamin. Sa pamamagitan nito, nailalabas ko ang lahat ng sakit! lahat ng kalungkutan at puot sa dibdib! Isa kasi akong taong hindi madaling magalit at nagpapatawad! Ok lang ang lahat! Pero kailangan ding mangatwiran para sa katotohanan. Sa bawat daloy ng luha sa aking mga mata ay nagpapahiwatig ng sakit ng damdamin! Inihahayag nito ang lungkot at galit! At sa pagtigil nito, nawawala na ang lahat! Ang mga hinanakit at mga pagsubok ay aking ipinapasa- Dios. Alam kong Siya lang ang nakakaalam sa aking nararamdaman at handang tumulong sa aking mga problema.

Tags:

Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

© 2023 by Michelle Ryder. Proudly created with Wix.com

bottom of page