top of page

“The Real One” (Narrative Type of Story)


Sa isang subdibisyon naninirahan ang magkasintahang, Ronnie at Via. Pareho silang may kaya sa buhay at nag- aaral sa iisang Unibersidad. Ang dalawang taon nilang relasyon ay hindi naging madali para sa kanila ang sitwasyon dahil ayaw ng Ina ni Ronnie kay Via. May naging matinding alitan sa negosyo sa pagitan nito at ng mga magulang ni Via noon. Ilang beses na sila nitong pinaghiwalay ngunit nanatili pa rin silang matatag. Si Via ay namumuhay kasama ang kanyang nakakatandang kapatid at ang kanilang kasambahay dahil wala na silang mga magulang. Namatay ang mga ito sa isang aksidente noong mga bata pa sila. Si Ronnie naman at naninirahan kasama ang kanyang kasambahay dahil doon na naninirahan sa Spain ang kanyang Ina at kanyang kakambal na si Rusty. Gayunpaman, kahit wala siya sa piling ng Ina, marami ang mga tauhang nakabantay sa bawat kilos niya. Napakabuting tao si Ronnie. Lahat ng pagmamahal at pag- aalaga ay ibinibigay niya kay Via at ganoon din si Via sa kanya. Pagtapos nila sa kolehiyo, pumunta si Ronnie sa Spain upang magbakasyon. Si Via naman ay naging abala sa pamamahala ng kanilang negosyo. Patuloy ang komunikasyon ng magkasintahan habang nasa bakasyon si Ronnie at isang araw habang nagmamaneho ito pauwi sa kanila, biglang hindi gumana ang preno ng kanyang sasakyan at nahulog ito sa bangin. Comatose si Ronnie ng isang buwan at ng siya'y gumising, nawala ang lahat ng kanyang mga ala- ala. Nang mga panahong iyon ay alalang- alala si Via sa kanya. Kung sino- sino ang pinagtanungan niya upang makontak si Ronnie ngunit wala ni isa ang nakakaalam. Lumipas ang ilang buwan, nagdisisyon ang kakambal ni Ronnie na si Rusty na umuwing Pilipinas upang mamahala ng kanilang negosyo. Bata pa siya noong huli siyang nagbakasyon dito kaya nang dumating ay agad siyang naglibot sa mga paborito niyang pasyalan noon. May business meeting naman si Via sa isang coffee shop at habang nagkuwentuhan ito sa kliyente bigla siyang napatigil nang makita niya sa malayuan ang mukha ni Ronnie. Agad itong nagpaalam na umalis at pinuntahan upang alamin kung si Ronnie nga ba ang kanyang nakita. Tinawag niya ito at nang lumingon ay bigla niya itong niyakap ng mahigpit. Nabigla si Rusty sa pangyayari lalo na nang malaman niyang si Via ang babaeng yumakap sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin at kung papaano niya sasabihin kay Via ang nangyari kay Ronnie. Ngunit sa pagkakataong iyon awang- awa siya kay Via kaya wala na siyang nagawa kundi magsinungaling at magpanggap bilang si Ronnie. Inilihim niya ito sa lahat. Ilang beses niyang sinubukang sabihin kay Via ang katotohanan ngunit nakikita niyang masayang- masaya si Via sa pag- aakalang bumalik na si Ronnie. Araw- araw siyang binibisita nito. Pinaramdam ni Via ang lahat ng pagmamahal at pag- aalaga sa kanya. Lumipas pa ang mga panahon, unti- unting nahulog ang loob ni Rusty kay Via. Naging malalim ang kanilang pag- iibigan hanggang sa nagdesisyon silang magpakasal. Malaki naman ang naging pagbabago sa buhay ni Ronnie simula nang mawala ang lahat ng kanyang ala- ala. Tinulungan siya ng kanyang Inang magsimulang muli at inilihim nito ang lahat ng mga nangyari sa kanyang nakaraan dahil ayaw niya itong bumalik pa kay Via. Siya na ang namamahala ng kanilang negosyo sa Spain. May mga pagkakataong biglang sumasagi sa kanyang isipan ang imahe ng isang babae at iba pang mga pangyayaring hindi malinaw sa kanya. Isang gabi habang naghahanap siya ng mga papeles sa kabinet, may nakita siyang isang kahon. Binuksan niya ito at nakita niya ang mga litrato, sulat at video tape nila ni Via. Binasa at pinanood niya ang mga ito. Nagulat siya sa kanyang natuklasan at unti- unting naging malinaw sa kanya ang lahat ngunit biglang sumakit ang kanyang ulo at nawalan ito ng malay. Isinugod siya ng kanyang Ina sa ospital at nang siya'y gumising, bumalik ang lahat ng kanyang ala- ala. Nang makalabas ito ng ospital, nagpaalam siya sa kanyang Ina na uuwing Pilipinas upang puntahan si Via. Hindi siya pinayagan ngunit hindi na siya nito napigilang umalis. Noong araw ng kanyang dating sa Pilipinas ay araw din ng kasal ni Rusty at Via. Sinalubong siya ng security pagdating niya ng kanilang bahay at tinanong siya nito kung bakit hindi pa siya nakabihis at magsisimula na ang seremonya ng kasal nila ni Via. Nagulat si Ronnie sa nalaman at tinanong niya ito kung saang lugar ang kasal. Nagtaka naman ang guard sa tanong nito ngunit sinabi na lamang niya kung saan at dali- daling umalis si Ronnie papunta sa simbahan kung saan ikakasal si Rusty at Via. Nag- uumpisa na ang seremonya nang bigla siyang pumasok at tinawag si Via. Nagulat ang lahat sa kanilang nakita. Umiiyak siya habang ipinapaliwanag kay Via ang lahat ngunit hindi makapaniwala si Via sa mga pangyayari at hindi niya alam ang kanyang gagawin. Galit at sakit ang kanyang naramdaman nang malaman niya ang lahat at tinanong niya si Rusty kung totoo nga ang mga ito. Inamin ni Rusty ang katotohanan at humingi ng tawad kay Ronnie at Via. Sa sobrang sama ng loob, tumakbo si Via palabas ng simbahan at hinabol ito nina Rusty at Ronnie. Nang biglang tumawid si Via sa kalsada, hindi niya namalayan ang mabilis na takbo ng sasakyan. Tumakbo si Rusty at itinulak si Via kaya siya ang nabundol ng sasakyan. Tumakbo si Ronnie at Via sa kinaroroonan ni Rusty at agaw hininga itong humingi ng kapatawaran habang nakahimlay sa bisig ng kanyang kakambal. Ibinilin niyang magmahalan sila habang buhay at nagpasalamat siya sa pagkakataong minahal niya si Via. Hindi na nila naisugod sa ospital dahil binawian na ito ng buhay. Labis ang kanilang pagdalamhati sa pagkawala ni Rusty. Umuwi ang kanilang Ina sa libing ng anak at humingi ito ng kapatawaran kay Ronnie at Via sa lahat ng kanyang mga nagawang hindi maganda sa kanilang relasyon. Nang naging maayos na ang lahat sa kanilang mga buhay, nagdesisyong magpakasal si Ronnie at Via. Dumalo ang Ina ni Ronnie sa kanilang kasal at naging masaya at makabuluhan ang araw na iyon sa kanila. Madalas silang dumadalaw sa puntod ni Rusty. Paglipas ng isang taon, nagkaroon sila ng isang anak na lalaki at pinangalanan nila itong, "Rusty".

-Wakas-

Tags:

Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

© 2023 by Michelle Ryder. Proudly created with Wix.com

bottom of page