top of page

“Tahanan ng isang Lasinggero”


Hating gabi o madaling araw na umuuwi ang nakagisnang buhay ni Mang Bonie. Madalas siyang naglalasing at namimirwesyo sa kanyang pamilya at mga kapit- bahay sa kanilang lugar. Si Aling Eva na tanging naghahanap ng kahit anong paraan na makapagtrabaho upang may ipapakain sa apat niyang mga anak ay may malubhang kalagayan. Sa tuwing umuuwi si Mang Bonie na halos magkandarapa- dapa na sa kalasingan ay hinahayaan niya na lamang ito dahil kahit anong sermon niya sa asawa ay hindi pa rin ito titigil sa paglalasing. Isang hating gabi, nang dumating si Mang Bonie sa kanilang bahay galit na galit ito dahil may nakaaway siya sa inuman. Dahil sa pagdadabog nito nagising ang kanyang mga anak at umiyak ang mga ito sa sobrang takot. Nagising si Aling Eva at pinagsabihan nito si Mang Bonie Ngunit patuloy pa rin ito sa pagsisigaw at pagwawala. Bigla niyang kinuha ang kutsilyo at naghandang balikan ang nakaaway at bigla naman itong pinigilan ni Aling Eva. Pumalag ito at hindi inasahang matusok ng hinahawakang patalim ang asawa. Sumigaw sa sobrang takot ang kanyang mga anak sa nakita at biglang nahimasmasan si Mang Bonie sa hindi inasahang pangyayari. Dali- dali niyang binuhat ang asawa at humingi ng tulong sa mga kapit- bahay ngunit walang tumulong dahil galit ang mga ito sa kanya. Isinugod nya ang asawa sa ospital ngunit kasawiang palad ay binawian na ito ng buhay. Halos nandilim ang mundo ni Mang Bonie at kanyang mga anak sa pagkamatay ni Aling Eva. Sinampahan ng kasong pagpatay si Mang Bonie at nakulong ito. Naging malala ang sitwasyon ng kanyang mga anak dahil wala nang mga magulang na nag- aalaga sa mga ito. Napadpad sila sa Kung saan- saang lugar upang makahanap ng makakain. Habang nasa kulungan c Mang Bonie, labis ang kanyang pasisisi sa lahat ng mga nagawang kasalanan. Isang Pastor ang bumisita sa kulungan upang maghatid ng salita ng Dios at doon siya naliwanagan sa katotohanan. Nakilala at tinanggap niya si Hesu- Kristo bilang Panginoon at Tagapagligtas at naganap ang isang malaking pagbabago sa kanyang buhay. Ipinagdasal niya ang kanyang mga anak at isang araw ay binisita siya ng mga ito. Masayang- masaya siya at pagkalipas ng isang buwan natuto siyang gumawa ng mga pang kabuhayang itinuro sa kanila sa kulungan. Ginamit niya ito upang kumita at makatulong sa kanyang mga anak. Masaya siya dahil nasa pangangalaga na ang mga ito ng kanyang matandang dalagang kapatid. Kahit nakakulong siya, hindi siya nawalan ng pag- asang balang araw makakasama niyang muli ang kanyang mga anak at magsisimula ng panibagong buhay.

Tags:

Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

© 2023 by Michelle Ryder. Proudly created with Wix.com

bottom of page