top of page

“Kahali- halinang Nilalang”


Ikaw, ako, tayong lahat. Pinakalooban ng natatanging buhay; binigyan ng liwanag at magandang kulay upang tumahak sa tamang landas patungo sa hinahangad na tagumpay. Isang buong pusong pagbati ng magandang umaga, “Kahali- halinang Nilalang”! Alam nating tayo'y may kanya- kanyang kakayahan; may angking talento at ang angking karunungan. Sa pagsayaw man o pagkanta, o paggawa ng nga bagay na kahanga- hanga. Magaling sa isports o sa drama, o maging sa larangan ng literatura, at iba pa. Ano man sa mga ito ang iyong talento at kakayahan, ito ay isang espesyal na biyaya na ibinabahagi sa ‘yo ng ating Amang Maylikha. Alin man sa mga ito ang mayroon ka, nais kong sabihing dapat mo itong pahalagahan upang ito'y maging higit na kaaya- aya. Ngunit sapat na ba ang paunlarin ang mga ito? Ako, bilang isa sa mga nilalang na pinagkalooban, anuman ang mayroon ako, ito lahat ay nagmula sa ating Amang Maylikha. Kaya patuloy ko itong gagamitin at ibabalik para sambahin at purihin Siya. Ikaw? Gagamitin mo rin ba ang mga ito para sa kanya?

Tags:

Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

© 2023 by Michelle Ryder. Proudly created with Wix.com

bottom of page