“Tunay na Pag- ibig”
- -Published in Salamism (Cuartero National High
- Jan 15, 2016
- 1 min read

Dito sa mundo karaniwan sa mga tao
Kung pag- ibig ang pag- uusapan
Ikinukuwento ang kanilang mga karanasan
May mga taong nagsabing mapait ang umibig
Ang iba nama'y sadyang kaysarap daw umibig
Minsa'y may nagpapakamatay dahil sa kabiguan
Ngunit may namuhay ng masaya at masagana
dahil sa pag- ibig
Lahat ng tao ay ayaw mabigo
Ayaw nilang masaktan
Ngunit ano nga ba ang tunay na pag- ibig?
Na ‘di ka masasaktan
Na tatahakin mo'y kasiyahan?
Aking sasabihin ang katotohanan
Na si Kristo lang ang tunay na pag- ibig
Sa Kanya walang hapdi at walang pait
Walang kabiguan at walang paghinanakit
Sadyang tunay ang Kanyang pag- ibig
Na di matutumbasan ng mga kayamanan sa daigdig
Kommentare