“Tanging Ina”
Sa simula pa nang ako'y ipinanganak Sa landas ng buhay kong tinatahak Ako'y pinahimlay sa iyong kandungan Laking pagmamahal ang naramdaman
Hanggang sa ang aking ama'y pumanaw na Pangangailanga'y tinustusang mag- isa Kayod at sakripisyo ang binuhos nya Sapagkat siya ang aking tanging ina
Ninanais kong mga bagay ay sinusuportahan Mahirap ma'y naghahanap ng paraan Sa gitna ng pagsubok at Kalungkutan Laging nariyan para ako'y tulungan
Alam kong ako'y may mga pagkukulang Kung minsan ako'y hindi magalang Aking ina ako sana'y patawarin Kapakanan mo'y Laging dinadalangin
Comments