“Kalungkutan sa Puso”
- -Written Year 2005
- Jan 15, 2016
- 1 min read

‘Di ko maunawaan kung bakit may kalungkutan Sa bawat hinahangad na kay hirap makamtan Nais matamo, nais masilayan
Ano kaya ang aking gagawin sa mga pangarap kong nililipad ng hangin Luha sa mga mata'y dumadaloy Labis na kalungkutan ang kinikimkim
Sa bawat paghihirap ko'y labis ang dinadamang lungkot Nais isigaw ang paghihinagpit Ang bawat paghikbi ko'y sukdulan ng pait Ibig matanaw ang maaliwalas na bukas
Sarili ko'y tinatanong, hanggang kailan kaya mangangarap sa wala? At magkakaroon ng kasagutan ang minimithing karanyaan? Hangga’t ito'y hindi maaabot Kalungkutan sa puso ko'y patuloy na babalot!
Comments