“Haayyy… Pag- ibig”
- -Written 03 September 2005
- Jan 14, 2016
- 1 min read

Hindi ko malaman ang aking nadarama
Kung di ka nakikita puso ko'y lumuluha
Ang nais ko'y lagi kang masilayan
Sa mga oras na ika'y nariyan
Siguro ganyan lang talaga
Kung ika'y umiibig na
Sa isang taong mahalaga
At isang pagpapala
Haayyy… ang pag- ibig nga naman
Iba'ng naidudulot kanino man
Mundo ko'y nagkaroon ng kulay
At inspirasyon sa aking buhay
Sana'y magpatuloy ito hanggang sa katapusan
At hindi hahantong sa isang mapait na kabiguan
Dahil pag nawala ang pinakamamahal ko
Hindi ko alam ang patutunguhan sa mundo
Comments