“Ang Puso ba o ang Isipan?”
- -Written Year 2005
- Jan 13, 2016
- 1 min read

Sa mundo mg mga tenedyer hindi maiiwasan Ang isang damdaming kay hirap pigilan Ang sabi ng karamihan natural lang ang nadarama Na mapapamahal ang isang taong sa tingin mo'y siya na nga talaga
Marami rin ang nagsabing malas lang ang magmahal Dahil kapag nasaktan ka parang mauubos ang iyong mga luha Ika naman ng ilan sa kanila ‘pag may minamahal ka katawan mo'y sumisigla
Ano nga ba ang katotohanan? Ang kabiguan ba o ang kasiyahan? Ano kaya ang papaniwalaan? Ang puso ba o ang isipan?
Paalala lang sa lahat pumili ng nararapat Wag papadala sa bugso ng damdamin Upang sa bandang huli'y hindi ka magsisisi
Comments