Mahal kong Ina
- (Seat Work in Filipino Class) -Written Year 2005
- Jan 10, 2016
- 1 min read

Mahal kong Ina,
Sa pagsulat ko ng mensahing ito, sumagi sa aking isipan ang mga busilak mong gawa na ibinahagi sa akin; and mga kabutiha’t suportang kailanma'y hindi kumukupas kundi patuloy itong dadaloy hanggang wakas.
Sa simula pa lamang ng ako'y iniluwal sa daigdig na ito; sa pag- alaga, pagpakain, at pagtustos sa aking mga pangangailangan, at noong ako'y musmos pa, pinahimbing mo ako sa iyong bisig at pinahimlay sa iyong kandungan. Hanggang sa ako'y nagkamalay ikaw pa rin ang nagsilbing gabay sa dinadaanan ko patungo sa aking paroroonan. Hindi mo rin ipinagkaila ang iyong walang sawang suporta sa mga oras na nandilim ang aking landas. Sadyang tunay kang Ina!
Sana'y patawarin mo ako sa lahat ng aking mga pagkakamali. Ako ang anak mong handang magmahal sa ‘yo at handang ipahayag ang ginintuan mong puso. Panalangin kong maging mabuti ang iyong kalagayan at sana'y punan pa ng Maylikha ang kulay ng iyong buhay at ilayo ka sa kapahamakan. Salamat aking Ina! Ikaw ay dakila!
Commentaires